Saturday, January 8, 2011

Tula

Dalawang tulang nakalimutan,
alaala ng limang taong nagdaan,
dating yaman ng musmos kong isip,
ngayo'y hiya'y pilit winawaglit.
 
 ***

PAGSAMO

hindi man ako ang pangarap

sana ako pa rin ay tanggap
ng puso mong sintigas ng bato
at manhid sa ipinaparamdam ko
ngunit manhid ka nga bang talaga?
o sadyang nagbingibingian sa pusong ito'y sinta
hanggang kaibigan nga lang ba?
napakasakit na ng nadarama
sa tuwing banggit mo ang pangalan niya
ako ba'y may pag-asa pa?
kung sakaling may pagtingin
sana ito'y iyong sabihin
subalit kung sigaw ng puso mo ay siya
wala na akong magagawa pa
saksi ang langit ako'y iyong pinaglaban
ngunit handa rin akong ikay pakawalan
kung sa kanya liligaya ang puso mo
handang magparaya ang puso ko
at sa oras na siya'y lumisan
handa pa rin akong maging iyong sandalan
sanay pakaingatan ang ating pagkakaibigan
'pagkat tanging ito ang pinanghahawakan
magpakatotoo ka na
at di na umabot pa
sa punto ng ako'y magmahal ng iba
hindi pa ang lahat huli
'pagkat ang apoy, ang liyab ng ating pag-ibig ay mananatili




OO


oo, aaminin ko dati manhid ako

at ngayon lang magpakatotoo
hindi mo lang alam ika'y pinapangarap
ika'y lubos kong tinatanggap
dati nagbulag-bulagan, dati nagbingibingian
dahil takot mawalan ng kaibigan
patawad, dahil sa 'kiy masakit ang dinaanan
oo, dati'y banggit ko ang pangalan niya
ngunit 'yun ay para magselos ka
pero tila ika'y nawalan ng pag-asa
ako man sa 'yoy may pagtingin
nahihiya lang akong sabihin
saksi ang langit ako'y iyong pinaglaban
pero handa ka ring ako'y pakawalan
di tunay na pagkasiya ang nadama
dahil hinahanap ang puso mong nagparaya
at nang ako'y kanyang nilisan
ika'y naging aking sandalan
ang ating pagkakaibigan ating iniingatan
ito rin ay aking pinanghahawakan
ako ba'y huli na?
di sana malaman mong mahal kita
sana ako'y di pa huli
at ang apoy ng pag-ibig ay nagliyab muli

***
Goodness, I can't believe I wrote this in my sophomore year. It takes me back. One of my closest friends found it in her stash of old school things. That's not really a surprise given the fact that I wrote this for her and one other friend. Yes. I was the proverbial bridge. Well, a bridge of sorts. I was actually pretty happy with this poem back then. I'm not as happy with it now. I guess I've become more picky? 
Still, this poem means a lot more than I could ever write of. 

I guess treasures from the past surface to remind us of the things that matter when we need reminding most. I'll keep the reminder to myself, but it's pretty easy to figure out.

Ciao.

2 comments:

  1. Buti ka pa, when you look back and read your old poems, medyo natutuwa ka at napopost mo, ako kapag ginawa ko yun, gusto ko lang magsunog or something.

    ReplyDelete
  2. nakakahiya nga tong mga tula na to eh. nanginig ako sa hiya nang nabasa ko ulit. pero, kinapalan ko ang mukha ko kaya nakaya ko tong i-post. haha. sayang din naman kasi kapag sinunog ko, kahit papano naman naging bahagi pa rin naman sila ng buhay ko. chos. all the happy memories, kumbaga.

    ReplyDelete